nakakatuwa talagang isipin... akalain mo, dalawang araw lang natapos ko kaagad basahin ang libro ni bob ong na pinamagatan niyang "ang paboritong libro ni hudas"... kaya naman lubos akong nagpasalamat ki jane dahil sa pagpapahiram niya sa akin ng librong iyon. ayus din at nakakatuwang basahin... siguro matutuwa si marvin agustin kasi ginawa siyang presidente ng pilipinas ni bob ong sa libro niyang yun.
matagal-tagal na akong hindi nakakapag-post dito sa blogspot na 'to sa kadahilanang hindi ko lubos maisip kung bakit? siguro talagang tinatamad na talaga ako... o di kaya naman, wala lang talaga akong maisip.
nung una akong nag post dito, akala ko ang mailalagay ko lang ay puro mga kwento na hango sa kaibuturan nag aking pag-uutak. pero dahil na rin sa talagang tigang na ako sa kaka-imagine ng kwento, (na hindi ko naman siguradao kung may magbabasa nga...) eto' at nagsulat na lang ako ng kahit ano, kasi wala din namang akong maisip na artikulo tingkol sa mga bagay na sobrang malayo sa interes ng aking puso at utak...
ngayon, ewan ko, pero para bang pakiramdam ko ata, eh malapit na akong umalis.. para bang nagbibilang na ako ng mga araw ... yun bang parang may hinihintay ka... pero hindi si kamatayan ah... challenge kumbaga, ika nga...
magkahalong kaba, saya, konting takot at lungkot ang nararamdaman ko ngayon.. pero dibale, iisipin ko na lang na kahit anong mangyari, eh patuloy lang tayo... sa pagsaliw sa musika ng buhay.
isang linggo na nung huli kong maka-usap ang isa sa kaibigan kong apat na taon ko ng hindi nakikita. mabuti na lang dahil pareho kaming marunong gumamit ng internet kaya hayun, nakapag-chat kami... una, hindi ko na alam kung paano siya batiin... pero akalain mo, bigla siyang parang anghel na nahulog sa langit at sukuban ako ng biyaya, dahil isasama niya daw ako sa lugar kung saan siya nagtatrabaho... kita mo na? malaki daw ang sahod, at malayong malayo sa kinikita ko dito.. at marami pa siyang dahilan... (hindi ko na matandaan yung iba, kaya pasensiya na)
kaya siguro, hindi mo rin ako masisisi kung bakit ko nararamdaman ngayon na malapit na akong umalis...
natutunan ko na sanang mahalin ang kinalalagyan ko ngayon... unang-una, sarap ng buhay dito kasi nandito lang ang aking mga kabarkada na kahit anong oras mong yayaing maglasing e talaga namang hindi ka uurungan, pangalawa siyempre, dito ang mga magulang ko.. mamimiss ko talaga sila pag nasa malayo na ako... at. at. at. at. at. ang aking labidabs ay nandidito rin... at mamimiss ako nun, sigurado...
pero, di ba.. kailangan talagang magdesisyon eh.
kaya, yaan nyo na ako.
baka sa susunod na buwan, e dito pa rin na man ako.
hintayin na lang natin ang bawat umaga..
namnamin na lang natin ang ulan.. isipin na lang natin na biyaya ang bawat patak ng ulang yan.
Tuesday, June 17, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)